Close
 


Iba’t ibang lugar sa Gaza, niyanig ng sunod-sunod na pambobomba | #TedFailonandDJChaCha
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Narito ang mga balita sa labas ng bansa ngayong Martes, May 14: • Patay sa Gaza, umakyat pa sa 35,000 • Iba't ibang lugar sa Gaza, niyanig ng sunod-sunod na pambobomba • Kaso ng pagnanakaw sa Brazil lalo pang sumipa sa kabila ng matinding pag-ulan at pagbaha • Alberta at British Columbia, apektado ng wildfire sa Canada; apat na US states apektado na rin • 31 patay matapos tumama ang landslide sa Indonesia #TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM --- Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:01
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa mga balita sa labas ng bansa, umakyat na sa higit 35,000 palestino ang namatay sa pagpapatuloy ng digmaan sa pagitan ng Hamas kontra Israeli forces sa Gaza Strip.
00:11.9
Pinakahuling naitala ang 63 palestinong sibilyan habang higit 100 naman ang nasugatan.
00:17.8
Ayon sa report, posibleng madagdagan pa ang mga bilang ng mga nasawi matapos matabunan ng mga gumuhong gusali.
00:23.9
Kinumpirma naman ang UN Relief and Works Agency na sa nakalipas na linggo, aabot na sa 300,000 bakwit ang lumikas mula sa Rafah sa gitna ng malawakang o malawakang opensiba ng IDF sa syudad.
00:37.5
Ang giitang ahensya, peke ang pangako ng Israel, kaugnay sa ligtas at payapang paglika sa mga palestinong bakwit na pansamantalang naninirahan sa mga refugee settlements sa Rafah.
00:49.3
Niyanig po naman ng sunod-sunod na pambabomba ang iba't ibang lugar sa Gaza Strip.
00:53.9
Sa Northern Gaza, lalo pang umabante ang IDF sa Jabaliya at Biitlahiya.
01:00.9
Dahil diyan, napilitan po ang maraming organisasyon mula sa iba't ibang bansa na bawasan o tuluyan na pong magsarado ng kanila pong operasyon sa Gaza dahilan po para maparalisa ang supply ng langis, pagkain at inuming tubig.
01:14.2
Sa kabila niyan, kinumpirma po naman ni U.S. National Security Advisor Jake Sullivan na wala nakikitang paglabag si U.S. President Joe Biden.
Show More Subtitles »


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.