Close
 


Epekto ng rice tariffication law sa mga magsasaka
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ibinahagi ni Danilo Ramos, isang magsasaka mula sa Central Luzon at kasalukuyang pangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, sa pagdinig sa Senate Committee on Agricultural and Fisheries Modernization ang epekto ng Rice Tariffication Law sa hanay ng mga magsasaka at sa buong industriya ng bigas. Sinabi niya na hanggang sa kasalukuyan ay hindi nararamdaman sa kanayunan ang pagkakaroon ng drying facilities. Kung kayaā€™t maliitan at hiwa-hiwalay ang paraan ng pagsasaka. Nanindigan siya na tama ang naging posisyon ng mga magbubukid kontra sa pagsasabatas ng Republic Act No.11203 o Rice Tariffication Law noong 2019. ā€œNapatunayan na talagang isinadlak ng batas na ito ang mga magsasaka ng palay sa higit na kahirapan at pagkakautang at pinalobo ng husto ang presyo ng bigas,ā€ ayon kay Ramos. ā€œNaniniwala ang mga magbubukid na walang anumang pag-amyenda sa RA11203 ang gagamot sa malalang danyos at pinsalang idinulot ng batas na ito sa kabuhayan ng mga magsasaka ng palay at buong industriya sa bansa,ā€ aniya
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 07:34
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Mahapon po, Madam Chair, Senator, mga kababayan, maraming salamat po sa pagkakataon.
00:10.3
Danilo Ramos po, rice farmer from Central Luzon at kasalukuyang tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.
00:19.2
Nais ko pong banggitin yung mahalagang punto para po makita sa pagdinig na ito anong epekto ng rice liberalization sa hanay naming mga magsasaka sa palayan at sa buong industriya ng bigas.
00:39.3
Bayaan nyo po na isinulat ko po kanina yung inyong sinabi.
00:45.7
Mahirap ang rice farmer sa Pilipinas.
00:49.2
At nagpapatuyo ng palay sa mga kalsada o basketball court.
00:55.1
Kawawa naman ang mga farmers.
00:57.9
Totoo po yan, hanggang sa kasalukuyang ay hindi po nararamdaman sa kanayunan ang mga drying facilities.
01:09.3
At maliitan po, hiwahiwala yung paraan ng pagsasaka.
Show More Subtitles »